Ang Pagmamahal ng isang kapatid
Si Paul ay isang Doctor, nakilala niya ang
isang maliit na tatlong taong gulang na batang babae na nagngangalang Maria na
nagdurusa sa isang sakit sa dugo. Si Maria ay nangangailangan ng dugo mula sa
kanyang limang taong gulang na kapatid na lalaki na si Juan, na himalang
nakaligtas sa parehong kondisyon. Ang dugo lang ni Juan ang pweding
makapagligtas sa kanyang kapatid, dahil taglay niya ang antibodies na tanging
pag-asa para kanyang kapatid na si Maria. Ipinaliwanag ni Dr. Paul ang
sitwasyon sa nakababatang kapatid ni Juan at tinanong kung ibibigay niya ba ang
kanyang dugo sa nakababatang kapatid neto na si Maria. Nakita ni Dr. Paul ang
nag-alinlangan lang saglit si Juan bago siya huminga ng malalim at sinabing,
"Opo, gagawin ko po kung ito lamang ang tangin paraan upang mailigtas ang
aking kapatid." Habang nagpapatuloy ang pagsasalin, nahiga si Juan sa kama
sa tabi ng kanyang kapatid at ngumiti, dahil nakitang umaayos na ang kulay ng
kutis ni Maria. Pagkatapos ay namutla ang kanyang mukha, at napawi ang kanyang
ngiti. Tumingala si Juan sa tabi ni Dr. Paul at nagtanong nang may nanginginig
na boses, “Kailan po ako mamatay?”
No comments:
Post a Comment