Sunday, 12 June 2022

TULA

 Mahal naming Guro

Gurong nagbigay ng aking kalaman

Pagmamahal namin sayo’y iaalay

Kailan ma’y di kalilimotan

Pangaral mo na dapat tandan

 

Panahon ay di na sapat.

Para sabihin sa ‘yo ang lahat.

Ang pagtuturo mong walang katapat.

Mahal naming guro ikaw lang ang karapat-dapat.

 

Habang ika’y natuturo

Puso naming ay nalulumbay

Kung hindi namin alam ang gagawin

Kayo ang lagging nandyan gumagabay saamin

 

Alam namin hindi sapat ang aming salamat

At hindi ka kayang tumbusan ng anumang salita

Mahal naming guro, salamat po sa lahat lahat

Salamat po sa puso nyong ‘di napapagod magturo.

TALUMPATI


Bangon

Bago ako mag simula sa aking paksa nais ko muna kayong batiin ng magandang umaga/gabi mga naggagwapohan at naggagandahang mga dilag. Ang paksang aking tatalakayin ngayon ay pinamagatan kong bangon.

Sa mundong mapanghusga marami ang natutumba, mga pagsubok gaya ng pandemyang kinakaharap marami ang nawawalan ng pagasa, bagyong nagdaan tayo ay winasak at sinira, ngunit sapat na ba yan na rason para tayo ay sumuko at magsawalang bahala?

Habang may buhay may pagasa lumang salita na ating naririnig sa iba subalit ito'y mistulang ginto dahil magdaan man ang ilang henerasyon ang halaga nito'y hindi magbabago ngunit wag lang iasa lahat sa gubyerno dahil nasa kamay natin ang inaasam nating tagumpay sa mga pagsubok na ating kinakaharap.

Hindi tayo makakabangon kung hindi muna tayo matutumba. Kumbaga kelangan muna nating maranasang magkakamali at ang mga pagkakamaling ito ang lilinang saatin upang malinang tayo at matutong tumayo sa sarili nating pamamaraan wag lang tayong mawalan ng pagasa dahil sabi ko nga kanina habang may buhay may pagaasa, bangon Pilipinas.

TALAMBUHAY

TALAMBUHAY

ni

Jay Mark Dulay

Si Jay Mark P. Dulay, isinilang sa Malalinta, San Manuel, Isabela noong Hunyo 07, 2001. Ang kanyang mga magulang ay sina Jesus B. Dulay at Maricel P. Dulay. Ang kanyang ama ay magsasaka at ang kanyang ina ay isa namang guro sa Malalinta, National, High School, San Manuel, Isabela na syang pinag aralan naman nya noong sya ay nag-aaral palamang ng secondarya at Senior High School.

Nag-aaral sya ngayon ng kolehiyo sa Our Lady of Pilar College, San Manuel, Isabela na may kursong Bachelor of Science in Information Technology. Tuwing may programa at may patimpalak na sinasalihan sya ay lagging sumasali sa poster making dahil mahilig syang gumuhit-guhit ng mga bagay, bagay. Tahimik lang sya sa kanyang klase dahil sa sya ay masydong mahiyaing ginoo at saka lang sya magsasalita sa klase kapag tatawagin sya ng kanyang guro pero lagging kabado pa.

Ngunit sa kabila ng kanyang pagiging mahiyain sya ay nag puporsigeng malagpasan ang kahiyaang meron sya. Pakonti konti sinusubukan nyang magsalita sa harap ng mga magda. Sabi nga nya sa pakonti konting hakbang makakamit ang tunay na tagumpay sapagkat sabi nya sa sarili nya mabuti ng may konting pagbabago kesa sa walang pagbabago.

PABULA

 Ang Dalawang Palaka

Dalawang palaka ang nakatira sa isang ilog. Nang matuyo ang ilog dahil sa init ng sinag ng araw, iniwan nila ito at sabay na naghanap ng matitirahan. Habang sila ay tumatalon sila’y napadaan sa isang malalim na balon, na sagana sa tubig, at nang makita nila ito, ang isa sa mga Palaka ay nagsabing, "Bumaba tayo at tumira sa balon na ito. Ito ay magbibigay sa atin ng kanlungan at pagkain." Ang isa naman ay sumagot nang may higit na pag-iingat, "Ngunit ipagpalagay na paano kung mawalan tayo ng tubig. Paano tayo makakaahon muli mula sa napakalalim na balon na iyan?"

MAIKLING KWENTO

 Ang Pagmamahal ng isang kapatid

 

Si Paul ay isang Doctor, nakilala niya ang isang maliit na tatlong taong gulang na batang babae na nagngangalang Maria na nagdurusa sa isang sakit sa dugo. Si Maria ay nangangailangan ng dugo mula sa kanyang limang taong gulang na kapatid na lalaki na si Juan, na himalang nakaligtas sa parehong kondisyon. Ang dugo lang ni Juan ang pweding makapagligtas sa kanyang kapatid, dahil taglay niya ang antibodies na tanging pag-asa para kanyang kapatid na si Maria. Ipinaliwanag ni Dr. Paul ang sitwasyon sa nakababatang kapatid ni Juan at tinanong kung ibibigay niya ba ang kanyang dugo sa nakababatang kapatid neto na si Maria. Nakita ni Dr. Paul ang nag-alinlangan lang saglit si Juan bago siya huminga ng malalim at sinabing, "Opo, gagawin ko po kung ito lamang ang tangin paraan upang mailigtas ang aking kapatid." Habang nagpapatuloy ang pagsasalin, nahiga si Juan sa kama sa tabi ng kanyang kapatid at ngumiti, dahil nakitang umaayos na ang kulay ng kutis ni Maria. Pagkatapos ay namutla ang kanyang mukha, at napawi ang kanyang ngiti. Tumingala si Juan sa tabi ni Dr. Paul at nagtanong nang may nanginginig na boses, “Kailan po ako mamatay?”

Hindi naintindihan ni Juan si Dr. Paul at naisip niyang kailangan niyang mamatay para mailigtas ang kanyang kapatid na may sakit na si Maria.

KWENTONG BAYAN

 Ang Alamat ng barangay Malalinta

Noong Unang panahon mayroong isang puok na mamumuhay ng mapayapa. Mga tao rito ay masagana ang pamumuhay dahil sa meron silang pinagkukunan ng malinis na tubig sa kanilang ilog.

Ngunit hindi naglaon ang babaeng nag-ngangalang Linta ay nagging pabaya sa kanyang basura at patuloy ang pagkakalat sa ilog. Hindi nagtagal dahil sa kapabayaan niya sa kanilang mga basura ang iloy ay tuluyan ng dumudumi at bumabaho na nagging sanhi ng pagkamatay ng ibang mamamayan dito.

Dahil sa sobrang galit ng mga namatayan sila ay nag tipon-tipon at isunumpa si Linta na sana ay hindi na sya makalakad na mistulang uod at itinapon nila si Lintas a ilog.

Habang naliligo ang mga tao sa ilog may napansin silang parang uod na ilalim ng tubig at nagtaka sila dahil ngayon lang nagkaroon ng ganitong klaseng nilalang sa kanilang lugar at napaisip sila ito na siguro ang isinumpa nila kay Linta. Kaya naman Pinangalanan nilang Linta ang nilalang na uod na nakatira sa ilalin ng tubig at dahil sa dami nang mga linta nakilala ang lugar nil ana Baranggay Linta ngunit pagdaan ng maraming taon nagging pabago bago ang tawag nila rito na nagging Mlalinta sa huli.

ANEKDOTA

 

GURO

Sya ay mabait, maganda, masipag at matiyagang guro. Laging pumapasok sa klase ang ang kanyang mga studyante ngunit hindi nagtagal nagsawa ng pumasok ang ibang mga magaaral at inabuso na rin ng iba ang kanyang kabaitan. Kaya naman napagisaip isip nang guro na ito na maging stricto naman sa mga ito upang hindi maabuso ang kanyang kabaitang pinapakita nya sa kanyang mga studeyante.

TULA

  Mahal naming Guro Gurong nagbigay ng aking kalaman Pagmamahal namin sayo’y iaalay Kailan ma’y di kalilimotan Pangaral mo na dapat ...